34Ngunit wala silang naintindihan sa mga sinabi ni Hesus, dahil itinago sa kanila ang kahulugan niyon.
35Nang malapit na sina Hesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.
36Nang marinig niya ang maraming taong dumadaan, nagtanong siya kung ano ang nangyayari.
37Sinabi sa kanya ng mga tao, “Dumadaan si Hesus na taga-Nazaret.”
38Sumigaw ang bulag, “Hesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”