18“Lumapit ang ikalawa at nagsabi, ‘Ang perang ibinigay nʼyo po sa akin ay tumubo ng lima.’
19“Sinabi ng hari, ‘Mamamahala ka sa limang lungsod.’
20“Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, ‘Ito po ang pera ninyo. Binalot ko po sa isang panyo,
21dahil natatakot ako sa inyo. Alam ko kasing mabagsik kayo; kinukuha ninyo ang hindi ninyo pinaghirapan, at inaani ninyo ang hindi ninyo itinanim.’
22“Sinabi ng hari, ‘Masamáng alipin! Hahatulan kita ayon sa sinabi mo. Alam mo palang mabagsik ako, na kinukuha ko ang hindi ko pinaghirapan at inaani ko ang hindi ko itinanim.