27Nang araw na iyon, sa patnubay ng Espiritu ay pumunta siya sa Templo. At nang dalhin doon nina Maria at Jose ang sanggol na si Hesus para ihandog sa Panginoon ayon sa Kautusan,
28kinarga ito ni Simeon at nagpuri sa Diyos. Sinabi niya:
29“Ngayon, Panginoon, maaari na po akong pumanaw nang payapa dahil natupad na ang pangako nʼyo sa akin na inyong lingkod.
30Dahil nakita na ng aking mga mata ang Tagapagligtas,
31na inihanda ninyo sa harapan ng lahat ng tao.