50Subalit hindi nila naunawaan ang ibig niyang sabihin.
51Umuwi si Hesus sa Nazaret kasama ng kanyang mga magulang, at patuloy siyang naging masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay isinapuso ng kanyang ina.
52Patuloy na lumaki si Hesus at lalo pang naging matalino. Kinalugdan siya ng Diyos at ng mga tao.