Lucas 2

Isinilang niya ang kanyang panganay na lalaki, binalot ito ng lampin, at inihiga sa sabsaban, dahil wala nang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.

Luke 2:7 (UKJV) And she brought forth her firstborn son, and wrapped him in swaddling clothes, and laid him in a crib; because there was no room for them in the inn.

5Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na nooʼy malapit nang manganak.

6At habang naroon sila sa Bethlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria.

7Isinilang niya ang kanyang panganay na lalaki, binalot ito ng lampin, at inihiga sa sabsaban, dahil wala nang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan.

8Sa gabi ding iyon, may mga pastol sa parang na malapit sa Bethlehem na nagbabantay ng kanilang mga kawan ng tupa.

9Biglang nagpakita sa kanila ang isang anghel ng Panginoon, at napaligiran sila ng nagniningning na kaluwalhatian ng Panginoon. Lubha silang natakot

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.