33Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil naging asawa niya silang lahat?”
34Sumagot si Hesus, “Ang mga tao sa panahong ito ay nag-aasawa.
35Ngunit ang mga taong mamarapatin ng Diyos na mabuhay muli sa panahong darating ay hindi na mag-aasawa.
36Hindi na rin sila mamamatay dahil matutulad na sila sa mga anghel. Silaʼy mga anak ng Diyos dahil muli silang binuhay.
37Maging si Moises ay nagpapatunay na muling bubuhayin ang mga patay. Sapagkat nang naroon siya sa nagliliyab na mababang punongkahoy, tinawag niya ang Panginoon na ‘Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob.’