44Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano masasabing anak lang siya ni David?”
45Habang nakikinig kay Hesus ang mga tao, sinabi niya sa mga alagad niya,
46“Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa matataong lugar. Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan.
47Dinadaya nila ang mga biyuda upang makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal. Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”