23Nagtanungan sa isaʼt isa ang mga alagad niya kung sino kaya sa kanila ang gagawa noon.
24Nagtalo-talo ang mga alagad ni Hesus kung sino sa kanila ang pinakadakila.
25Kaya sinabi sa kanila ni Hesus, “Sa mundong ito, ang mga hari ay pinapanginoon ng mga nasasakupan nila, at ang mga may kapangyarihan ay gustong tawagin na ‘Tagatulong ng mga Tao’.
26Ngunit hindi kayo dapat maging ganoon. Ang mas mataas ay dapat magpakababa, at ang pinuno ay dapat maging tulad ng isang tagapaglingkod.
27Sapagkat sino ba ang mas mataas, ang pinaglilingkuran o ang naglilingkod? Siyempre, ang pinaglilingkuran. Ngunit naglilingkod ako sa inyo kahit na ako ang Panginoon ninyo.