30Makakasalo ko kayo sa aking mesa sa aking kaharian, at uupo kayo sa mga trono upang mamahala sa labindalawang lahi ng Israel.
31“Simon, makinig kang mabuti! Humingi ng pahintulot si Satanas sa Diyos na subukin niya kayong lahat tulad ng pag-aalis ng ipa sa mga trigo.
32Ngunit nanalangin ako para sa iyo, na huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, palalakasin mo ang pananampalataya ng iyong mga kapatid.”
33Sumagot si Simon, “Panginoon, handa po akong mabilanggo o mamatay na kasama ninyo.”
34Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Pedro, tandaan mo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”