60Ngunit sumagot si Pedro, “Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo!” At habang nagsasalita pa siya ay tumilaok ang manok.
61Lumingon ang Panginoon at tiningnan si Pedro. Naalala ni Pedro ang sinabi ng Panginoon, “Bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”
62Kaya lumabas si Pedro at humagulgol.
63Samantala, kinutya at binugbog si Hesus ng mga nagbabantay sa kanya.
64Piniringan nila siya at tinanong, “Hulaan mo, sino ang sumuntok sa iyo?”