64Piniringan nila siya at tinanong, “Hulaan mo, sino ang sumuntok sa iyo?”
65At marami pa silang sinabing masama laban sa kanya.
66Kinaumagahan, nagtipon ang mga pinuno ng mga Hudyo, mga namamahalang pari, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap nila si Hesus sa kanilang korte.
67Sinabi nila, “Sabihin mo sa amin, ikaw ba ang Mesias?” Sumagot si Hesus, “Kung sasabihin ko sa inyo, hindi naman kayo maniniwala.
68At kung tatanungin ko kayo, hindi naman kayo sasagot.