Lucas 23

Habang nakatayo ang mga tao roon at nanonood, iniinsulto ng mga tagapamahala ng bayan si Hesus. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba, iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga talaga ang Mesias na pinili ng Diyos!”

Luke 23:35 (UKJV) And the people stood beholding. And the rulers also with them derided him, saying, He saved others; let him save himself, if he be Christ, the chosen of God.

33Pagdating nila sa lugar na tinatawag na Bungo, ipinako nila sa krus si Hesus at ang dalawang kriminal, ang isa ay sa kanan ni Hesus at ang isa ay sa kaliwa. [

34Sinabi ni Hesus, “Ama, patawarin mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] Nagpalabunutan ang mga sundalo para paghahati-hatian ang mga damit ni Hesus.

35Habang nakatayo ang mga tao roon at nanonood, iniinsulto ng mga tagapamahala ng bayan si Hesus. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba, iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga talaga ang Mesias na pinili ng Diyos!”

36Ininsulto rin siya ng mga sundalo at binigyan ng maasim na alak,

37at sinabi pa nila sa kanya, “Kung ikaw nga ang hari ng mga Hudyo, iligtas mo ang iyong sarili!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.