42Pagkatapos ay sinabi niya, “Hesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo.”
43Sumagot si Hesus, “Sasabihin ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama kita sa Paraiso.”
44Nang mag-aalas dose na ng tanghali, nawala ang liwanag ng araw, at dumilim sa buong lupain sa loob ng tatlong oras. At ang kurtina sa loob ng templo ay nahati sa dalawa.
46Sumigaw nang malakas si Hesus, “Ama, ipinagkakatiwala ko sa inyong mga kamay ang aking espiritu!” At pagkasabi niya nito, nalagot ang kanyang hininga.