Lucas 24

Kinuha niya iyon at kinain sa harap nila.

Luke 24:43 (UKJV) And he took it, and did eat before them.

41Sa kagalakan nila at pagkamangha, halos hindi pa rin sila makapaniwala. Kaya tinanong sila ni Hesus, “Mayroon ba kayong pagkain diyan?”

42Binigyan nila si Hesus ng isang hiwa ng inihaw na isda.

43Kinuha niya iyon at kinain sa harap nila.

44Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo noong magkasama pa tayo na kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga isinulat ng mga propeta at sa mga Salmo.”

45At binuksan ni Hesus ang isip nila upang maunawaan nila ang Kasulatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.