3Kaya pumasok sila sa loob, ngunit hindi nila nakita ang bangkay ng Panginoong Hesus.
4Habang naguguluhan sila sa pangyayari, bigla silang nakakita ng dalawang lalaking nakakasilaw ang damit, at nakatayo sa tabi nila.
5At dahil sa takot, nagpatirapa sila sa lupa. Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buháy dito sa mga patay?
6Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Hindi ba sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya,
7na ang Anak ng Tao ay kailangang ipasakamay sa mga makasalanan at ipako sa krus, pero mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw?”