Lucas 3

Ngunit sinabi ni Juan sa kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit may isang darating na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy.

Luke 3:16 (UKJV) John answered, saying unto them all, I indeed baptize you with water; but one mightier than I comes, the latchet of whose shoes I am not worthy to unloose: he shall baptize you with the Holy Spirit and with fire:

14May mga sundalo ring nagtanong sa kanya, “Kami naman po, ano ang dapat naming gawin?” Sumagot siya, “Huwag kayong mangingikil kaninuman o magpaparatang ng hindi totoo para lang magkapera. Makontento kayo sa mga sahod ninyo!”

15Nang marinig ito ng mga tao, lalo silang nanabik sa pagdating ng Mesias at inisip nila na baka si Juan na nga ang hinihintay nila.

16Ngunit sinabi ni Juan sa kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit may isang darating na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy.

17Tulad siya ng isang taong nagtatahip para ihiwalay ang ipa sa butil ng trigo. Titipunin niya ang mga butil sa kamalig, pero ang ipa ay susunugin niya sa apoy na kailanmaʼy hindi mamamatay.”

18Marami pang mga ipinangaral si Juan sa pagpapahayag niya ng Magandang Balita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.