20At dinagdagan pa ni Herodes ang kanyang mga kasalanan nang ipabilanggo niya si Juan.
21Isang araw, nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, nagpabautismo rin si Hesus. At habang nananalangin si Hesus, bumukas ang langit,
22at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. At may boses na narinig mula sa langit na nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
23Mga tatlumpung taóng gulang na si Hesus nang magsimula siya sa kanyang gawain. Ayon sa pagkakaalam ng mga tao, anak siya ni Jose na anak ni Eli.
24Si Eli ay anak ni Matat, na anak ni Levi. Si Levi ay anak ni Melqui, na anak ni Janai. Si Janai ay anak ni Jose,