Lucas 4

Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang batong ito na maging tinapay.”

Luke 4:3 (UKJV) And the devil said unto him, If you be the Son of God, command this stone that it be made bread.

1Umalis si Hesus sa Ilog Jordan na puspos ng Banal na Espiritu, at dinala siya ng Espiritu sa ilang.

2Nanatili siya roon nang apatnapung araw, at sa mga araw na iyon, tinukso siya ng diyablo. Hindi siya kumain sa buong panahong iyon kaya gutom na gutom siya pagkatapos.

3Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang batong ito na maging tinapay.”

4Ngunit sinagot siya ni Hesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.’ ”

5Dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na lugar, at sa isang iglap ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian ng mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.