4Ngunit sinagot siya ni Hesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.’ ”
5Dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na lugar, at sa isang iglap ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian ng mundo.
6At sinabi ng diyablo kay Hesus, “Ibibigay ko sa iyo ang karapatang mamuno sa lahat ng ito at ang kadakilaang kalakip nito, dahil ipinagkaloob sa akin ang mga iyan at maibibigay ko sa kahit kanino ko gusto.
7Kaya kung sasambahin mo ako, mapapasaiyo ang lahat ng iyan.”
8Ngunit sumagot si Hesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon na iyong Diyos at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’ ”