Lucas 5

Noon din ay may mga taong dumating na buhat-buhat ang isang lalaking paralitiko na nasa higaan. Sinikap nilang ipasok ito sa bahay upang mailagay sa harap ni Hesus.

Luke 5:18 (UKJV) And, behold, men brought in a bed a man which was taken with a palsy: and they sought means to bring him in, and to lay him before him.

16Ngunit laging pumupunta si Hesus sa ilang at doon nananalangin.

17Isang araw habang nangangaral si Hesus, may mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo malapit sa kanya. (Nanggaling sila sa ibaʼt ibang bayan ng Galilea at Judea, at maging sa Jerusalem.) At taglay ni Hesus ang kapangyarihan ng Panginoon para magpagaling ng mga may sakit.

18Noon din ay may mga taong dumating na buhat-buhat ang isang lalaking paralitiko na nasa higaan. Sinikap nilang ipasok ito sa bahay upang mailagay sa harap ni Hesus.

19Ngunit hindi sila makapasok dahil sa dami ng tao, kaya umakyat sila sa bubong at bumaklas ng bahagi nito. Pagkatapos, ibinaba nila sa harap ni Hesus ang paralitikong nasa kanyang higaan.

20Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Kaibigan, pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.