Lucas 5

Pagkatapos nito, umalis si Hesus at nakita niya ang maniningil ng buwis na ang pangalan ay Levi. Nakaupo ito sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.”

Luke 5:27 (UKJV) And after these things he went forth, and saw a publican, named Levi, sitting at the receipt of custom: and he said unto him, Follow me.

25Bumangon nga agad ang paralitiko sa harap ng lahat, binuhat ang kanyang higaan, at umuwing nagpupuri sa Diyos.

26Namangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Napuno sila ng takot at sinabi nila, “Kamangha-mangha ang mga bagay na nakita natin ngayon!”

27Pagkatapos nito, umalis si Hesus at nakita niya ang maniningil ng buwis na ang pangalan ay Levi. Nakaupo ito sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.”

28Tumayo si Levi, iniwan ang lahat at sumunod kay Hesus.

29Nagdaos si Levi sa kanyang bahay ng malaking handaan para kay Hesus. Maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao ang dumalo at nakisalo sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.