Lucas 5

Sumakay siya sa bangkang pag-aari ni Simon at nakiusap dito na itulak iyon nang kaunti sa tubig. Naupo si Hesus sa bangka at nagturo sa mga tao.

Luke 5:3 (UKJV) And he entered into one of the ships, which was Simon's, and prayed him that he would thrust out a little from the land. And he sat down, and taught the people out of the ship.

1Isang araw, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Galilea, at nagsisiksikan sa kanya ang napakaraming tao upang makinig ng salita ng Diyos.

2May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin. Nakababa na sa bangka ang mga mangingisda at naghuhugas na ng mga lambat nila.

3Sumakay siya sa bangkang pag-aari ni Simon at nakiusap dito na itulak iyon nang kaunti sa tubig. Naupo si Hesus sa bangka at nagturo sa mga tao.

4Pagkatapos niyang mangaral, sinabi niya kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat ninyo.”

5Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nangisda pero wala kaming nahuli. Ngunit dahil sinabi ninyo, ihuhulog ko ulit ang mga lambat.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.