Lucas 5

Nang makita ito ng mga Pariseo at ng mga kasama nilang mga tagapagturo ng Kautusan, nagreklamo sila sa mga alagad ni Hesus. Sinabi nila, “Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?”

Luke 5:30 (UKJV) But their scribes and Pharisees murmured against his disciples, saying, Why do all of you eat and drink with publicans and sinners?

28Tumayo si Levi, iniwan ang lahat at sumunod kay Hesus.

29Nagdaos si Levi sa kanyang bahay ng malaking handaan para kay Hesus. Maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao ang dumalo at nakisalo sa kanila.

30Nang makita ito ng mga Pariseo at ng mga kasama nilang mga tagapagturo ng Kautusan, nagreklamo sila sa mga alagad ni Hesus. Sinabi nila, “Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?”

31Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.

32Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan upang magsisi sila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.