7Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasama na nasa isa pang bangka para magpatulong. Tinulungan sila ng mga ito at napuno nila ng isda ang dalawang bangka, hanggang sa halos lumubog na sila.
8Nang makita iyon ni Simon Pedro, nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at sinabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, dahil makasalanan ako.”
9Namangha siyaʼt natakot, pati ang mga kasamahan niya dahil sa dami ng nahuli nila,
10gayundin sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. “Huwag kang matakot,” sabi ni Hesus kay Simon. “Mula ngayon, hindi na isda ang huhulihin mo kundi mga tao na.”
11Nang maidaong na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.