13Kinaumagahan, tinawag niya ang mga alagad niya at pumili siya ng labindalawa mula sa kanila, na tinawag niyang mga apostol.
14Ito ay sina Simon (na tinawag niyang Pedro), at Andres na kapatid nito, sina Santiago at Juan, sina Felipe, Bartolome,
15Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na makabayan,
16Judas na anak ng isa pang Santiago, at si Judas Iscariote na siyang nagtraydor kay Hesus.
17Pagkatapos nito, bumaba sila mula sa bundok at tumigil sa isang patag na lugar. Naroon ang malaking grupo ng alagad niya at ang napakaraming taong nanggaling sa Judea, Jerusalem, at sa baybayin ng Tiro at Sidon.