Lucas 6

Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kasamahan niya?

Luke 6:3 (UKJV) And Jesus answering them said, Have all of you not read so much as this, what David did, when himself was an hungered, and they which were with him;

1Isang Araw ng Pamamahinga, napadaan sina Hesus sa isang triguhan. Namitas ng trigo ang mga alagad niya, kiniskis ito sa mga kamay nila, at pagkatapos ay kinain ang mga butil.

2Kaya sinabi ng ilang Pariseo, “Bakit kayo gumagawa ng ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?”

3Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kasamahan niya?

4Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumuha ng tinapay na inihandog sa Diyos at kinain ito. Binigyan pa niya ang mga kasamahan niya, kahit na ang mga pari lamang ang nararapat na kumain niyon.”

5At sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Ang Anak ng Tao ang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.