Lucas 6

At kung ang pinapahiram lang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makakabayad sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa kapwa nila makasalanan sa pag-asang mababayaran sila.

Luke 6:34 (UKJV) And if all of you lend to them of whom all of you hope to receive, what thank have all of you? for sinners also lend to sinners, to receive as much again.

32“Kung ang mamahalin lang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Minamahal din ng mga makasalanan ang mga nagmamahal sa kanila.

33At kung ang gagawan lang ninyo ng mabuti ay ang mga taong mabuti sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Ginagawa rin iyan ng mga makasalanan.

34At kung ang pinapahiram lang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makakabayad sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa kapwa nila makasalanan sa pag-asang mababayaran sila.

35Sa halip, ito ang inyong gawin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti. Kung magpapahiram kayo, magpahiram kayo nang hindi umaasa ng anumang kabayaran. Malaking gantimpala ang tatanggapin ninyo, at makikilala kayong mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat mabuti siya kahit sa masasama at sa mga walang utang na loob.

36Maging maawain kayo tulad ng inyong Amang maawain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.