Lucas 6

Ngunit alam niya ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika, tumayo ka rito sa harapan.” Lumapit nga ito at tumayo roon.

Luke 6:8 (UKJV) But he knew their thoughts, and said to the man which had the withered hand, Rise up, and stand forth in the midst. And he arose and stood forth.

6Noong isa pang Araw ng Pamamahinga, pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki roon na paralisado ang kanang kamay.

7Binantayang mabuti ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo si Hesus kung magpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya.

8Ngunit alam niya ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika, tumayo ka rito sa harapan.” Lumapit nga ito at tumayo roon.

9Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, “Tatanungin ko kayo. Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?”

10Tiningnan niya silang lahat, at sinabi sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.