30Ngunit ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan ay tumanggi sa layunin ng Diyos para sa buhay nila, dahil hindi sila nagpabautismo kay Juan.
31Sinabi pa ni Hesus, “Sa anong bagay ko maihahambing ang mga tao ngayon? Kanino ko sila maihahalintulad?
32Katulad sila ng mga batang nakaupo sa palengke at sinasabi sa kanilang kalaro: ‘Tinugtugan namin kayo ng masayang tugtugin, pero hindi kayo sumayaw! Umawit kami ng awit ng pagluluksa pero hindi kayo umiyak!’
33Sapagkat noong dumating si Juan na Tagapagbautismo ay nag-aayuno siya at hindi umiinom ng alak, at ang sabi ninyo, ‘Sinasapian siya ng demonyo.’
34Nang dumating naman ang Anak ng Tao, at nakita ninyo siyang kumakain at umiinom, ang sabi naman ninyo, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’