13Ang batuhan kung saan nahulog ang ibang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos at tinanggap ito nang may kagalakan. Ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang mga puso, kayaʼt hindi nagtagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng mga pagsubok, tinatalikuran nila ang kanilang pananampalataya.
14Ang lupang may matitinik na damo kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos, ngunit sa katagalan ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay, kayamanan at kalayawan sa mundong ito. Dahil dito, hindi lumalago ang kanilang pananampalataya.
15Ngunit ang matabang lupang hinasikan ng binhi ay ang mga taong nakikinig sa salita ng Diyos, at nag-iingat nito sa kanilang malinis at tapat na puso, at namumunga sila dahil sa kanilang pagtitiyaga.
16“Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng palayok o ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay.
17Ganoon din naman, walang natatagong hindi mahahayag at walang lihim na hindi malalaman at mabubunyag.