28Nang makita niya si Hesus, sumigaw siya at lumuhod sa harapan ni Hesus. At sinabi niya nang malakas, “Ano ang pakialam mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan!”
29Sinabi niya ito dahil inutusan ni Hesus na lumabas ang masamang espiritu sa kanya. Maraming beses na siyang sinasaniban, at kahit tinatalian siya ng kadena sa kamay at paa at binabantayan, nilalagot lang niya ito, at dinadala siya ng demonyo sa ilang.
30Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang pangalan mo?” Sagot niya, “Hukbo,” dahil maraming demonyo ang pumasok sa kanya.
31Nagmakaawa sila kay Hesus na huwag silang papuntahin sa kailalimang walang hanggan.
32Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. Nagmakaawa ang mga demonyo kay Hesus na payagan silang pumasok sa mga baboy, at pinayagan naman sila.