Lucas 8

Nagtanong si Hesus, “Sino ang humawak sa akin?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Guro, alam nʼyo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo.”

Luke 8:45 (UKJV) And Jesus said, Who touched me? When all denied, Peter and they that were with him said, Master, the multitude crowd upon you and press you, and says you, Who touched me?

43May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino.

44Nang makalapit siya sa likuran ni Hesus, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Hesus, at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo.

45Nagtanong si Hesus, “Sino ang humawak sa akin?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Guro, alam nʼyo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo.”

46Ngunit sinabi ni Hesus, “May humawak sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.”

47Nang mapagtanto ng babae na hindi niya maililihim ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Hesus. Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Hesus, at kung paanong gumaling siya kaagad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.