46Ngunit sinabi ni Hesus, “May humawak sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.”
47Nang mapagtanto ng babae na hindi niya maililihim ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Hesus. Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Hesus, at kung paanong gumaling siya kaagad.
48Sinabi sa kanya ni Hesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”
49Habang kausap pa ni Hesus ang babae, dumating ang isang lalaki galing sa bahay ni Jairo na namumuno sa sinagoga. Sinabi niya kay Jairo, “Patay na po ang anak ninyo. Huwag nʼyo nang abalahin ang guro.”
50Nang marinig iyon ni Hesus, sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli.”