47Alam ni Hesus ang nasa isip nila, kaya kumuha siya ng isang maliit na bata at pinatayo sa tabi niya.
48Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin. Sapagkat ang pinakamababa sa inyong lahat ang siyang pinakadakila.”
49Sinabi ni Juan kay Hesus, “Guro, nakakita po kami ng taong nagpapalayas ng mga demonyo sa inyong pangalan. Pinagbawalan namin siya dahil hindi natin siya kasamahan.”
50Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Huwag nʼyo siyang pagbawalan, dahil ang hindi laban sa atin ay kakampi natin.”
51Nang malapit na ang araw para bumalik si Hesus sa langit, nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem.