55Ngunit lumingon si Hesus at pinagsabihan sila.
56At tumuloy na lang sila sa ibang nayon.
57Habang naglalakad sila, may isang lalaking nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.”
58Ngunit sinagot siya ni Hesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpapahingahan.”
59Sinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot siya, “Panginoon, pauwiin po muna ninyo ako upang maipalibing ko ang aking ama.”