Malakias 2

Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, “Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, itoʼy pagmamalupit sa asawang babae,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa inyong asawa.

Malachi 2:16 (UKJV) For the LORD, the God of Israel, says that he hates putting away: for one covers violence with his garment, says the LORD of hosts: therefore take heed to your spirit, that all of you deal not treacherously.

14Itinatanong ninyo, “Bakit?” Sapagkat saksi ang Panginoon na nagtaksil kayo sa asawa na inyong pinakasalan noong inyong kabataan. Sinira ninyo ang inyong kasunduan na magiging tapat kayo sa isaʼt isa.

15Hindi baʼt pinag-isa kayo ng Diyos sa katawan at sa espiritu para maging kanya? At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadiyos. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan.

16Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, “Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, itoʼy pagmamalupit sa asawang babae,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa inyong asawa.

17Sawang-sawa na ang Panginoon sa inyong mga sinasabi. Pero itinatanong pa ninyo, “Ano ang ikinasasawa niya sa amin?” Sinasabi ninyo na mabuti sa paningin ng Panginoon ang lahat ng gumagawa ng masama at natutuwa siya sa kanila. Pakutya ninyong sinasabi, “Nasaan na ang Diyos ng katarungan?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.