Marcos 1

ayon sa isinulat ni Propeta Isaias: “Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo.”

Mark 1:2 (UKJV) As it is written in the prophets, Behold, I send my messenger before your face, which shall prepare your way before you.

1Ito ang Magandang Balita tungkol kay Hesus, ang Mesias, na Anak ng Diyos. Nagsimula ito

2ayon sa isinulat ni Propeta Isaias: “Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo.”

3“May sumisigaw sa ilang na nagsasabi, ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang landas na kanyang lalakaran.’ ”

4Dumating nga sa ilang si Juan na Tagapagbautismo. Ipinangaral niya sa mga tao na kailangan nilang pagsisihan at talikuran ang kanilang mga kasalanan, at magpabautismo para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.