40Lumapit kay Hesus ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, “Kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.”
41Naawa si Hesus sa kanya, kaya hinawakan niya ito at sinabi, “Gusto ko. Gumaling ka!”
42Agad na nawala ang kanyang sakit sa balat, at siyaʼy naging malinis.
43Pinaalis agad siya ni Hesus at mahigpit na binilinan,
44“Huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Dalhin mo ang handog na hinihiling ng Kautusan ni Moises sa mga taong gumaling sa sakit sa balat. Gawin mo ito bilang patunay sa mga tao na malinis ka na.”