Marcos 10

Alam mo ang sinasabi ng Kautusan: ‘Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi nang kasinungalingan, huwag kang mandadaya, at igalang mo ang iyong mga magulang.’ ”

Mark 10:19 (UKJV) You know the commandments, Do not commit adultery, Do not kill, Do not steal, Do not bear false witness, Defraud not, Honour your father and mother.

17Nang paalis na si Hesus, isang lalaki ang patakbong lumapit sa kanya at lumuhod. Nagtanong ang lalaki, “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan?”

18Sumagot si Hesus, “Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Diyos lang ang mabuti, wala nang iba!

19Alam mo ang sinasabi ng Kautusan: ‘Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi nang kasinungalingan, huwag kang mandadaya, at igalang mo ang iyong mga magulang.’ ”

20Sumagot ang lalaki, “Guro, sinusunod ko po ang lahat ng iyan mula pagkabata.”

21Tiningnan siya ni Hesus nang may pagmamahal at sinabi, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang mga ari-arian mo, at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.