Marcos 10

Habang naglalakad sila papuntang Jerusalem, nauna sa kanila si Hesus. Kinakabahan ang mga alagad niya at natatakot naman ang iba pang sumusunod sa kanila. Ibinukod ni Hesus ang labindalawang alagad at muli niyang sinabi kung ano ang mangyayari sa kanya,

Mark 10:32 (UKJV) And they were in the way going up to Jerusalem; and Jesus went before them: and they were amazed; and as they followed, they were afraid. And he took again the twelve, and began to tell them what things should happen unto him,

30ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, mga lupa, pati mga pag-uusig. At tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.

31Maraming dakila ngayon ang magiging hamak, at maraming hamak ngayon ang magiging dakila.”

32Habang naglalakad sila papuntang Jerusalem, nauna sa kanila si Hesus. Kinakabahan ang mga alagad niya at natatakot naman ang iba pang sumusunod sa kanila. Ibinukod ni Hesus ang labindalawang alagad at muli niyang sinabi kung ano ang mangyayari sa kanya,

33“Makinig kayo! Papunta na tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay sa mga Hentil.

34Iinsultuhin nila siya, duduraan, hahagupitin at papatayin. Ngunit muli siyang mabubuhay pagkalipas ng tatlong araw.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.