Marcos 10

Kaya tinawag silang lahat ni Hesus at sinabi, “Alam nʼyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga bansa ay may kapangyarihan sa mga taong nasasakupan nila, at kahit ano ang gustuhin nila ay nasusunod.

Mark 10:42 (UKJV) But Jesus called them to him, and says unto them, All of you know that they which are accounted to rule over the Gentiles exercise lordship over them; and their great ones exercise authority upon them.

40Ngunit hindi ako ang pumipili kung sino ang uupo sa kanan o kaliwa ko. Ang mga itoʼy para sa mga taong pinaglaanan nito.”

41Nang malaman ng sampung alagad kung ano ang hiningi nina Santiago at Juan, nagalit sila sa kanila.

42Kaya tinawag silang lahat ni Hesus at sinabi, “Alam nʼyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga bansa ay may kapangyarihan sa mga taong nasasakupan nila, at kahit ano ang gustuhin nila ay nasusunod.

43Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo.

44At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.