43Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo.
44At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.
45Sapagkat kahit ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang tubusin ang maraming tao!”
46Dumating sina Hesus sa Jerico. At nang paalis na siya roon kasama ang mga alagad niya, sumunod sa kanila ang napakaraming tao. Sa tabi ng daan, may isang bulag na nakaupo at namamalimos. Siyaʼy si Bartimeo (na ang ibig sabihin ay “anak ni Timeo”).
47Nang marinig niyang dumadaan si Hesus na taga-Nazaret, sumigaw siya, “Hesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!”