Marcos 11

“Pinagpala ang dumarating na kaharian ng ninuno nating si David!” “Papuri sa Diyos sa Kaitaasan!”

Mark 11:10 (UKJV) Blessed be the kingdom of our father David, that comes in the name of the Lord: Hosanna in the highest.

8Maraming tao ang naglatag ng mga balabal nila sa daan, at ang iba naman ay naglatag ng mga madahong sanga na pinutol nila sa parang.

9Ang mga nauuna kay Hesus at ang mga sumusunod sa kanya ay sumisigaw, “Papuri sa Diyos!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!”

10“Pinagpala ang dumarating na kaharian ng ninuno nating si David!” “Papuri sa Diyos sa Kaitaasan!”

11Pagdating ni Hesus sa Jerusalem ay pumunta siya sa patyo ng Templo. Pinagmasdan niyang mabuti ang lahat ng bagay doon. At dahil gumagabi na, pumunta siya sa Betania kasama ang labindalawang alagad niya.

12Kinabukasan, nang pabalik na sila sa Jerusalem mula sa Betania, nagutom si Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.