24Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos.
25Sa muling pagkabuhay ng mga patay ay wala nang pag-aasawa; magiging tulad sila ng mga anghel sa langit.
26Tungkol naman sa muling pagkabuhay, hindi nʼyo ba nabasa ang isinulat ni Moises? Noong naroon siya sa may nagliliyab na mababang punongkahoy, sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob.’
27Diyos siya ng mga buhay, hindi ng mga patay. Kaya maling-mali kayo!”
28May isang tagapagturo ng Kautusan doon na nakikinig ng pagtatalo nila. Napansin niyang mahusay ang sagot ni Hesus, kaya lumapit siya at nagtanong din, “Ano po ba ang pinakamahalagang utos?”