Marcos 12

Tinawag ni Hesus ang mga alagad niya at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, mas malaki ang ibinigay ng biyudang iyon kaysa sa lahat ng nagbigay.

Mark 12:43 (UKJV) And he called unto him his disciples, and says unto them, Verily I say unto you, That this poor widow has cast more in, than all they which have cast into the treasury:

41Umupo si Hesus malapit sa lagayan ng mga kaloob doon sa Templo at pinagmamasdan ang mga taong naghuhulog ng pera. Maraming mayayaman ang naghulog ng malalaking halaga.

42Lumapit din ang isang mahirap na biyuda at naghulog ng dalawang pirasong barya.

43Tinawag ni Hesus ang mga alagad niya at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, mas malaki ang ibinigay ng biyudang iyon kaysa sa lahat ng nagbigay.

44Sapagkat silang lahat ay nagbigay lamang ng bahagi ng kanilang kayamanan. Ngunit ang biyuda ay nagbigay sa kabila ng kanyang kahirapan. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang ikinabubuhay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.