8Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Lilindol sa ibaʼt ibang lugar at magkakaroon ng taggutom. Ang mga itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating.
9“Mag-ingat kayo dahil dadakpin kayo at dadalhin sa hukuman, at hahagupitin kayo sa sinagoga. Iimbestigahan kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Magiging pagkakataon ninyo ito upang magpatotoo sa kanila tungkol sa akin.
10Dapat munang maipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng bansa, bago dumating ang katapusan.
11Kapag dinakip kayo at dinala sa hukuman, huwag ninyong alalahanin kung ano ang sasabihin ninyo. Bastaʼt sabihin ninyo ang ipinasasabi ng Diyos sa oras na iyon. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ninyo.
12“May mga taong magkakanulo sa kanilang mga kapatid upang ipapatay, at ganoon din ang mga ama sa kanilang mga anak. Kakalabanin naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay.