Marcos 13

“Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, ‘magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan,

Mark 13:24 (UKJV) But in those days, after that tribulation, the sun shall be darkened, and the moon shall not give her light,

22Sapagkat lilitaw ang mga di-tunay na Mesias at mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga tanda at kababalaghan upang malinlang, kung maaari, pati ang mga pinili ng Diyos.

23Kaya mag-ingat kayo! Binabalaan ko na kayo habang hindi pa nangyayari ang mga ito.

24“Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, ‘magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan,

25at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga bagay sa kalawakan ay mayayanig at mawawala sa kani-kanilang kinalalagyan.’

26“At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap, taglay ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.