Marcos 14

Ang Anak ng Tao ay papatayin ayon sa sinasabi sa Kasulatan, ngunit nakakaawa ang taong magkakanulo sa Anak ng Tao. Mas mabuti pa para sa kanya kung hindi na lamang siya ipinanganak.”

Mark 14:21 (UKJV) The Son of man indeed goes, as it is written of him: but woe to that man by whom the Son of man is betrayed! good were it for that man if he had never been born.

19Nalungkot sila nang marinig ito, at isa-isa silang nagtanong sa kanya, “Hindi ako iyon, di po ba?”

20Sinabi ni Hesus sa kanila, “Isa siya sa inyong labindalawa. Siya ang kasama kong nagsasawsaw ng tinapay sa mangkok.

21Ang Anak ng Tao ay papatayin ayon sa sinasabi sa Kasulatan, ngunit nakakaawa ang taong magkakanulo sa Anak ng Tao. Mas mabuti pa para sa kanya kung hindi na lamang siya ipinanganak.”

22Habang kumakain sila, kumuha ng tinapay si Hesus. Nagpasalamat siya sa Diyos at pagkatapos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad niya at sinabi, “Kunin ninyo ito; ito ang aking katawan.”

23Pagkatapos, kumuha siya ng isang kopang may inumin, nagpasalamat sa Diyos, at ibinigay sa kanila. At uminom silang lahat mula sa kopang iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.