26Umawit sila ng papuri sa Diyos at pagkatapos ay pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.
27Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Iiwan ninyo akong lahat, dahil sinabi ng Diyos sa Kasulatan: ‘Papatayin ko ang pastol at magsisipangalat ang mga tupa.’
28Ngunit pagkatapos na ako ay muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
29Sinabi ni Pedro kay Hesus, “Kahit iwanan po kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwanan.”
30Sinagot siya ni Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok nang pangalawang beses ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”