Marcos 14

Pagkatapos, muli niyang binalikan ang mga alagad niya at nadatnan na naman niya silang natutulog, dahil antok na antok na sila. At nang gisingin sila ni Hesus, nahiya sila at hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila sa kanya.

Mark 14:40 (UKJV) And when he returned, he found them asleep again, (for their eyes were heavy,) neither know they what to answer him.

38Magpuyat kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espiritu ay handang sumunod, ngunit mahina ang laman.”

39Muling lumayo si Hesus at nanalangin. Ganoon pa rin ang kanyang dalangin.

40Pagkatapos, muli niyang binalikan ang mga alagad niya at nadatnan na naman niya silang natutulog, dahil antok na antok na sila. At nang gisingin sila ni Hesus, nahiya sila at hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila sa kanya.

41Sa ikatlong pagbalik ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na iyan! Dumating na ang oras na Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga makasalanan.

42Tayo na! Narito na ang nagkanulo sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.